Skip to main content

Posts

Featured

Nanay, Tatay, Ate,Kuya anong number ka sa balota?

Apilyedong lagi nasa balota tuwing sasapit ang panahon ng eleksyon sa bansa. Iboboto ng nakararami dahil para sa kanila'y "kilala" na. Sistemang pampulitikang nakasanayan na ng iba, mga makapangyarihang pamilya ang nagpapasa-pasahan lamang ng posisyon ang mga susunod na henerasyon. Pagkakataon ng ibang katauhan upang maging lider sa isang komunidad ay nalilimitahan dahil sa dinastiyang kinakaharap ng bayan. Demokrasyang hindi masustentuhan ng pagkakapantay-pantay dahil sa laban sa pagitan ng pamilyang may katungkulan sa opisinang iyan at ang mga bagong mukha ng nais mamuno na wala pang kahit anong koneksyon pagdating sa politika. Apilyedo na lamang ba ang dapat tingnan, at hindi ang kakayahan ng isang katauhan upang maging mambabatas sa ating bansa? Kung tutuusin, karamihan ng tumatakbong kandidato ngayon ay pawang fillers na lamang, pero mas lamang parin ang ingay ng pangalan ng kabilang panig ng listahan. Ang dinastiyang ito ba ay totoong nakatulong upang mapa-unlad ng...

Latest posts