Nanay, Tatay, Ate,Kuya anong number ka sa balota?

Apilyedong lagi nasa balota tuwing sasapit ang panahon ng eleksyon sa bansa. Iboboto ng nakararami dahil para sa kanila'y "kilala" na. Sistemang pampulitikang nakasanayan na ng iba, mga makapangyarihang pamilya ang nagpapasa-pasahan lamang ng posisyon ang mga susunod na henerasyon. Pagkakataon ng ibang katauhan upang maging lider sa isang komunidad ay nalilimitahan dahil sa dinastiyang kinakaharap ng bayan. Demokrasyang hindi masustentuhan ng pagkakapantay-pantay dahil sa laban sa pagitan ng pamilyang may katungkulan sa opisinang iyan at ang mga bagong mukha ng nais mamuno na wala pang kahit anong koneksyon pagdating sa politika.

Apilyedo na lamang ba ang dapat tingnan, at hindi ang kakayahan ng isang katauhan upang maging mambabatas sa ating bansa? Kung tutuusin, karamihan ng tumatakbong kandidato ngayon ay pawang fillers na lamang, pero mas lamang parin ang ingay ng pangalan ng kabilang panig ng listahan.

Ang dinastiyang ito ba ay totoong nakatulong upang mapa-unlad ng mabuti nag ekonomiya? Marami ang nagsasabi, dahil sa political dynasty sa Pilipinas mas madaling naipapasa ang mga plataporma,proyekto, at programa kung magkakasunod na miyembro ng pamilya ang nakaupo sa pwesto. Plano ng nakaraang hindi naipatupad, susunod na administrasyon ang aasahang magpalaganap. Sa kabila ng pagsang-ayon ito, bigyang pansin kung ano ang nais iparating ng nasa kabilang spektrum. Limitadong oportunidad para sa mas kwalipikadong kandidato na may mas kakayahang maging lider at posibleng magdulot ng pagbabago sa bulok na sistema ng bansang kinabibilangan.

Tama na siguro yung mga naunang iniluklok ng mga taong "nasanay" na sa apelyidong kanilang palagi nalang ibinoboto. Marcoses, Dutertes, Aquinos at iba pang higit sa isang miyembro ng kamag-anak ang may katungkulan sa gobyernong hindi maayos-ayos dahil din sa kanilang kagagawan. Ibang katauhan naman sana, hindi puro maskarang sa pagpapabango lamang nagagamit at hindi sa matinong katayuan.

Madali lang naman solusyonan iyan, lumayo sa dinastiyang naging tradisyon na. May posibilidad pang makakita tayo ng positibong pagbabago sa ating ekonomiya, panibagong pananaw ang ating maririnig. Siguro iba't-ibang sektor nadin ng ekonomiya ang tatalakayin nila,programang nakatutok sa kapakanan at pangangailangan ng masa, edukasyon,kalusugan,at trabaho ay mabibigyang prayoridad. Transparency at accountability kailangang-kailangan din ng ating gobyerno upang magkaroon ng ekonomiyang may malinaw na direksyon patungo sa pangmatagalang kaunlaran.

Comments

  1. Sa darating na eleksyon, maraming kilalang personalidad ang naghahayag ng kanilang balak na tumakbo sa mga posisyon sa gobyerno. Sa kabila ng kanilang kasikatan at impluwensya, mahalagang pag-isipan kung ang kanilang paglahok ay tunay na makikinabang sa ating lipunan o kung ito'y isang simpleng takbo lamang para makuha ang boto ng masa.

    At ang ganitong klase ng text o article ay magandang paraan upang magbigay ng kaalaman sa taong bayan sa darating na halalan, dahil sa bawat boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa.

    ReplyDelete
  2. Sa blog post mas malinaw na naibahagi dahil simula sa unang paragraph makikita agad ang pinupunto ng blog lahat ng opinyon, impormasyon ay naibahagi hanggang sa kung ano ang pwedeng maging sulusyon sa ginawa niyang blog at nagbibigay ng pag asa na may mababago pa sa ekonomiya.

    ReplyDelete
  3. malinaw ang pagsulat ng blog dahil naibahagi hanggang sa kung ano ang pwedeng maging sulusyon sa ginawa niyang blog at nagbibigay ito ng pag asa sa pagsulat na may mababago pa sa ekonomiya.

    ReplyDelete
  4. tama, and It’s not just the government fault but the people who voted them in the first place kasi nagbubulag bulagan. The worst thing is, there's still people blind enough to vote them bcs they're popular or known. They had the chance to elect someone na kayang kayang gampanan ang mga dapat gawin and yet they still chose someone na kilala lamang sa apelyido. Every Filipino Citizen has the right to run for candidacy BUT we the sovereign people of this country must choose those most fit and deserving for the spot, remember that we also have power to choose.

    Dahil sa article na ito, maaaring magamit ito para matauhan ang mga tao at mabukas ang kanilang isipan sa darating na halalan. You have the right to choose, make the right one, the one you’ll be proud of. Gumising ka, Pilipinas.

    ReplyDelete
  5. Ang article na ito or ang text ay nagbibigay ng impormasyon at minumulat tayo sa katotohanan. Ang bawat salitang sinabi sa article na ito ay pawang katotohan at nangyayari talaga sa ating lipunan

    ReplyDelete
  6. Mga ama ay mga dating presedente Ng pilipinas kaya sobrang laking impluwensya Ng kanilang ama sakanilang dalawa kaya naman dapat talang kilatasin Muna Ang ating mga iboboto para sa ating bansa

    ReplyDelete
  7. Tama naman Ang nasa article na ito dahil isipin nyo nalang Ang Ng yayari sa bansa natin ngayon nag away Ang vice president at Ang ating president,kaya naman dapat na tayo g matuto dahil kaya Sila nanalo dahil Ang kanilang mga ama ay dating presedente Ng ating bansa kaya napalaki Ng kanilang connection sa bansa,kaya naman sa susunod dapat maging mas kumilatis tayo Ng ating iboboto, Hindi porket apelyido nila ay sikat iboboto na.

    ReplyDelete
  8. Jay
    Malinaw at naipaliwanag ng maayos ang article or blog dahil nag bigay sya ng kaalaman sa taong bayan sa darating na botohan o halalan, at makikita agad ang pinupunto na opinion,impormasyon na ibahagi hangang sa kung ano ang pwedi nyang maging solusyon sa ginawa nyang blog.

    ReplyDelete
  9. Maayos ang pag kaka buo ng blog. Marami akong natutunan dahil sa blog na ito.

    ReplyDelete
  10. Napakahalagang talakayin ng blog post na ito ang mga isyu ng political dynasty sa Pilipinas, kung saan ang pagtingin sa mga apelyido ay mas binibigyang halaga kaysa sa tunay na kakayahan ng mga kandidato; dapat tayong lumayo sa makalumang tradisyon at yakapin ang mga bagong boses na may potensyal na magdulot ng makabuluhang pagbabago sa ating lipunan at gobyerno.

    ReplyDelete
  11. Ang artikulo na ito ay mas makakatulong sa iba at maraming matututunan na at maraming makakakuha ng idea

    ReplyDelete
  12. Mahusay ang pagkakasulat, naitalaga dito ang mga isyu sa politika at paano bumoto ang mga mamamayang Pilipino sa gobyerno

    ReplyDelete
  13. Tama ka na ang mga pamilya ng politiko, sa kabila ng ilang benepisyo, ay nagiging hadlang sa makatarungan at pantay-pantay na pagkakataon sa pulitika. Mahusay na tinukoy mo na hindi lamang dapat tumitingin sa katayuan o dahil lamang sa kilala sila kundi sa kakayahan ng bawat indibidwal na tumatakbo sa politika.

    ReplyDelete
  14. Dapat lamang na mabasa ang Blog na ito dahil bukod sa mahusay ang pagkakasulat ay nabigyang kalinawan ang mga tunay na pangyayari sa mga boto o balota. Malaming mga impormasyon dito na maaaring matutunan dahil binubuo ito ng reyalidad na pangyayari sa politiko.

    ReplyDelete
  15. Maayos ang paglalahad ng blog na iyong ginawa, dahil ito ay katotohanan na nangyayari sa ating kasalukuyang pampulitika.

    ReplyDelete
  16. Maganda ang pagkakabahagi ng opiniyon, sa aking palagay ang mga ganitong klase ng usapin ay dapat na mas palawakin hindi lamang sa mga kabataan marapat at higit na ibahagi din ito sa mga botanteng nakatatanda. Higit na nakababahala ang ganitong kasanayan ng mga Pilipino, dapat itong mabigyang pansin upang matigil na ang patuloy na pag ulit, hanggang sa nagiging kasanayan na. Tayong mga Pilipino ay dapat na maging mapanuri sa ating mga bino boto dahil hinfi lang ito para sa ating mga sarili, para ito sa kinabuksan ng ating bansa, may impact ito sa susunod na henerasyon, binigyan tayo ng karapatang pumili ng mamumuno sa atin ipinag laban ito ng ating mga ninuno, gamitin natin ito ng may masusing pag susuri, piliin ang tapat at karapat-dapat huwag sa apilyidong sikat. Mayroon namang magamda mag serbisyo at tapat sa lipunan, ang iba naman ay ginagawa ng business family ang politika, kaya mabutihing pimili ng tama.

    ReplyDelete
  17. Napaka Ganda ng article na ito dahil isa Yan sa napaka laking suliranin kung bakit d umaangat ang ating bansa dahil sa mga maling pag boto ng ibang Pilipino,porket ba Kilala mo ang apelyido iboboto muna?porket ba Sila ang anak ng dating president iboboto muna?syempre dapat nating kilalanin Bago natin iboto para Naman maiwasan ang curaption sa ating bansa.

    ReplyDelete
  18. Tama ang Nasa iyong blog at sang-ayon ako sa iyong blog dahil ito ay nagpapahayag ng matinding pagtutol sa political dynasties sa Pilipinas, na nagbibigay-diin sa pangangailangan para sa mas malawak na pagkakataon para sa mga bagong mukha sa pulitika at pagbabago sa sistema.

    ReplyDelete
  19. Nagpakita ng kahusayan sa paggamit ng tamang salita upang mailahad ang mensahe sa lahat ng makakabasa.

    Mahusay na ibinahagi ang ilan sa mga dapat at kayang gawin ng mga mamamayan pagdating sa usaping pampulitika at lipunan. Ibinahagi ito sa paraang mauunawaan at nakakapagbigay aral sa mga mambabasa.

    ReplyDelete
  20. Nagpakita ng kahusayan sa paggamit ng tamang salita upang mailahad ang mensahe sa lahat ng makakabasa.

    Mahusay na ibinahagi ang ilan sa mga dapat at kayang gawin ng mga mamamayan pagdating sa usaping pampulitika at lipunan. Ibinahagi ito sa paraang mauunawaan at nakakapagbigay aral sa mga mambabasa.

    ReplyDelete
  21. Ang teksto ay isang mahusay na paglalarawan ng problema ng political dynasty sa Pilipinas at ang pangangailangan para sa pagbabago ng sistema na nagmumungkahi na dapat bigyang-pansin ang kakayahan ng isang kandidato at hindi lamang ang kanyang apelyido at Binibigyang-diin ang limitadong oportunidad para sa mga kwalipikadong kandidato na wala sa mga makapangyarihang pamilya.

    ReplyDelete
  22. Napaka ganda Ng inyong artikulo lubos Kong nauunawaan ito dahil kailan kaya mamumalat Ang mga tao sa pag boto nila dahil dito San mging aral nila ito...

    ReplyDelete
  23. Napaka-informative ng blog na ito, at napakadaling maintindihan! Salamat sa malinaw na mga paliwanag—tunay na nakakatulong sa aming mga mambabasa."

    ReplyDelete
  24. Ang blog na ito ay talagang on point at malaman mo na! Bawat linya ay may impact, at makakatulong ito sa maraming tao. Salamat sa mga tulong para maunawaan ko ang makabuluhang insight mo.

    ReplyDelete
  25. Mahusay! nag-enjoy akong magbasa ng iyong blog

    ReplyDelete
  26. Mahusay na ibinahagi ang ilan sa mga dapat at kayang gawin ng mga mamamayan sa lipunan

    ReplyDelete
  27. Yung mga political dynasty, parang hindi na sila nag-iisip kung kaya ba nila talaga. Parang nakasanayan na lang nila na nasa kanila ang posisyon. Ang hirap pala talagang magkaroon ng bagong mukha sa politika.

    ReplyDelete

Post a Comment